Permanenteng 15-man team ipinanukala ni Yeng Guiao

Kaya naman sinabi ni na­tional head coach Yeng Guiao na panahon na para mag­ka­roon ng permanenteng 15-man ang Team Pilipinas.

MANILA, Philippines — Sa tuwing sasabak ang Pilipinas sa mga internatio­nal basketball competitions ay palaging problema ang pag­buo ng pambansang koponan.

Kaya naman sinabi ni na­tional head coach Yeng Guiao na panahon na para mag­ka­roon ng permanenteng 15-man ang Team Pilipinas.

“Let’s just support those 15 (players) with time toge­ther, with international experience and competition, with training and exposure as a team,” panukala ni Guiao.

Nalagay sa panganib ang Nationals sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers matapos ma­walis ng mga bisitang Kazakhstan at Iran sa kanilang dalawang home games sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Nahulog ang baraha ng Team Pilipinas sa 5-5 sa ila­lim ng Australia (9-1), Iran (7-3) at Japan (6-4) kasunod ang Kazakhstan (4-6) at Qatar (2-8) sa Group F, habang nasa Group E ang New Zealand (9-1), Ko­rea (8-2), China (6-4), Le­banon (6-4), Jordan (5-5) at Syria (2-8).

Ang Top Three teams sa Group F at E kasama ang best-placed fourth team ang maglalaro sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa Chi­na, ang seeded team.

Ang Australia, New Zea­­land at Korea ang tatlong Asian teams na nauna nang kumubra ng tiket para sa naturang world cham­pionships.

Para makapasok sa 2019 FIBA World Cup ay ka­i­la­ngang walisin ng Na­tio­nals ang laban sa mga Qa­taris at Kazakhs sa Pebrero ng susunod na taon sa sixth at final window ng Asian Qualifiers.

Dapat ding ipagdasal ng Nationals na matalo ang Ja­pan sa alinman sa mga laro nito kotra sa Iran at Qatar.

Kasalukuyang sumasa­kay ang Akatsuki Five sa isang six-game winning streak.

Show comments