UP vs Ateneo sa UAAP Finals

Dinakdakan ni Juan Gomez de Liaño ng UP si Sean Manganti ng Adamson.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Sumandal ang University of the Philippines (UP) sa  jumper ni Paul De­si­derio sa huling 6.6 segundo sa overtime period para itakas ang 89-87 panalo laban sa Adamson kahapon sa do-or-die battle ng  Season 81 UAAP  men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum.

Kahit pa naka-depensa ang graduating player na si Desiderio kay Sean Manganti nagawa pa rin nitong maipasok ang short jumper para masungkit ang ikalawang sunod panalo kontra sa second seed Soaring Falcons at pumasok sa Finals sa unang pagkakataon simula 1986.

Ang panalo ng Fighting Maroons ay kasunod ng kanilang 73-71 panalo sa Game 1 ng semis noong Sabado para walisin ang Soaring Falcons, 2-0 at  makuha ang karapatang humarap sa nagdedepensang Ateneo Blue Eagles sa best-of-three Finals showdown simula sa Sabado.

“This team is going to fight no matter what. I told myself that if I couldn’t stand for my team, if I can’t believe in my team then who? So I keep on belie­ving be­cause I know we can deliver the victory,” sabi ni UP coach Bo Perasol.

Huling lumamang ang Soaring Falcons, 84-78, mahigit 2:40 na lamang ang natitira sa five-minute extension, ngunit hindi sumuko sina Juan Gomez de Liano, Desiderio at Diego Dario at nagpakawala ng 11-3 run down-the-stretch para masungkit ang mala­king panalo.

Umani si Juan Gomez de Liano ng career-high 30 puntos, anim na rebounds at dalawang assists habang tumapos si Desiderio ng 16 puntos, 11 rebounds, dalawang assists at apat na steals para tapusin na ang mahabang 32 taon na pagkauhaw  ng UP  sa Finals.

Tumapos din ng 13 puntos at 17 rebounds at walong puntos na may kasamang isang rebound at isang assist mula kay Javi Gomez de Liaño at tig-anim naman sina Jerson Prado at Frederick Tungcab para sa UP.

Show comments