MANILA, Philippines — Tatalakayin sa ikalawang edisyon ng TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) ‘Usapang Sports ang powerball, mixed martial arts, wrestling at table tennis ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.
Dadalo sa sesyon si Go-For-Gold Vice President for Marketing of Powerball Marketing and Logistic Corp. Jeremy Go at coach Ednalyn Hualda habang ihahayag ni Universal Reality Combat Championship (URCC) at Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar ang resulta ng matagumpay na Southeast Asian Wrestling, Grappling and Pankration Championships sa Laguna.
Upang bigyan linaw ang tunay na sitwasyon ng table tennis sa bansa ay darating din sa public forum sa alas-10 ng umaga si Philippine Table Tennis Federation (PTTF) president Ting Ledesma.
Bibisita rin para ipakilala ang larong cricket sina Philippine Cricket Association (PCA) General Manager and tournament director Faisal Khan at Philippine Team captain Jonathan Hill na ilalahad ang World Cup qualifier na gagawin Disyembre 1-7 sa Emilio Aguinaldo College sa Dasmarinas, Cavite.