Replay ang hatol ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes.
Ibig sabihin, burado ang 82-81 overtime win ng Parañaque Patriots kontra sa Bacoor Strikers nung Nov. 15 sa Bacoor.
Nagprotesta ang Bacoor dahil sa isang play sa third quarter kung saan ang isang two-point shot ng Parañaque ay binilang na three points.
Yung referee ang nag-decide na three-point shot ang tira ni Mac Montilla ng Parañaque. At dahil dito, sabi ng Bacoor, nag-overtime.
Pinag-aralan mabuti nila kume ang nangyari. At ang decision ay hindi nga three-point shot ang pinakawalan ni Mac. Nullified ang panalo at inorder ni kume na magkaroon ng replay ng last five minutes ng laro sa dulo ng elimination.
Pero yun ay kung may bearing pa ang magiging replay. Kung wala naman at kunyari lang eh pareho na sila out, wala nang replay.
Suspendido rin ang referee na si Jay Castroverde na nag-reverse ng decision at ginawang three points ang tira ni Mac.
Sampung playing days at fine na P5,000 ang nakuha ng referee.
At ngayong nullified ang panalo ng Patriots, paano na ang mga namusta sa laro?
Malakas kasi ang pustahan sa MPBL. Sa katunayan, may pustahan sa online ang mga laro.
Soli taya.