MANILA, Philippines — Bagama’t may 1-1 record laban ng bisitang Jordan sa kanilang tune-up games ay kuntento si head coach Yeng Guiao sa ipinakita ng Team Pilipinas
Bumangon ang Nationals mula sa 19-point deficit para resbakan ang mga Jordanians sa pangalawang tune-up match nila na hindi natapos dahil sa komprontasyon nina Guiao at Jordan mentor Joey Stiebing sa 6:26 minuto ng fourth quarter noong Martes ng gabi sa Meralco Gym.
“It’s a test of character and I feel this is the kind of character that we need in our national team,” wika ni Guiao sa paghahanda ng Team Pilipinas sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Nauna nang natalo ang Team Pilipinas sa Jordan, 98-92 sa una nilang tune-up game noong Lunes.
Ayon kay Guiao, may mga aspeto pa ng laro na dapat tutukan ng Nationals bago labanan ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at ang Iran sa Disyembre 3 sa Group F na parehong gagawin sa MOA Arena sa Pasay City.
“Our execution is still not that good. We have to fine- tune our execution on both ends,” ani Guiao, nakatakdang labanan kagabi ang bisitang Lebanon at bukas sa Meralco Gym.
Idinagdag ni Guiao na magandang preparasyon ang nasabing mga tune-up games laban sa Jordan at Lebanon.
“So what we want to do or what we want to achieve is to be able to see where our shortcomings are, where our weaknesses are so we can work on them in practices,” ani Guiao.