New Clark City Sports Complex tiniyak na aabot sa Manila SEAG

Sinamahan ang daan-daang atleta na magrerepresenta sa bansa sa papalapit na 2019 Southeast Asian Games ng mga opisyal at dating sports legends ng bansa.

MANILA, Philippines — Nasaksihan na ng mga atletang Pinoy ang susunod na magiging ta­hanan nito na New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac matapos ang unang pagbisita kahapon.

Sinamahan ang daan-daang atleta na magrerepresenta sa bansa sa papalapit na 2019 Southeast Asian Games ng mga opisyal at dating sports legends ng bansa.

Nanguna sa naturang pagbisita sa higanteng 60-ektaryang pasilidad sina Philippine Southeast Asian Games (PHISGOC) Chairman Allan Peter Ca­yetano, former Special Assistant to the President Bong Go, Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President Vince Dizon at Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Butch Ramirez kasama rin sina Lydia De Vega, Eric Buhain at Bong Coo.

Ininspekyon ng mga opisyal at atleta ang pasilidad na pagdarausan ng nakatakdang 30th biennial event dito sa bansa sa susunod na taon.

Itatayo sa naturang pasilidad ang dalawang world-class buildings sa katauhan ng International Association of Athletics Federation (IAAF)-certified 20,000-seater na athletic stadium at International Swimming Fe­deration (FINA)-certified na 2,000-seater aquatics center.

Inaasahang matatapos ang mga naturang pasilidad sa Oktubre ng susunod na taon, sakto lamang para sa pagbubukas ng SEAG sa Philippine Arena sa Nobyembre 30.

Sa New Clark City din, na siyang unang sports project na ginawa sa Pilipinas simula noong 1934, idaraos ang 2020 ASEAN ParaGames. (AD)

Show comments