^

PSN Palaro

Petron masusukat sa Sta. Lucia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Petron masusukat  sa Sta. Lucia
Nakasakay sa five-game winning streak ang Petron kabilang ang 25-22, 25-16, 25-19 demolisyon sa Cignal noong Sabado sa Caloocan Sports Complex.
www.facebook.com/superligaphilippines

MANILA, Philippines — Itataya ng reigning champion Petron ang ima­kuladang rekord nito laban sa Sta. Lucia R­ealty sa pagpapatuloy ng PSL  All-Filipino Conference nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

Magtatagpo ang Blaze Spikers at Lady Realtors sa alas-4:15 ng hapon habang puntirya ng Foton na makabawi sa masaklap na kabiguan sa F2 Logistics sa pakikipagtipan nito sa Cocolife sa alas-2.

Lalarga rin ang duwelo ng Cignal at Smart Giga Hitters sa alas-7 ng gabi.

Nakasakay sa five-game winning streak ang Petron kabilang ang 25-22, 25-16, 25-19 demolisyon sa Cignal noong Sabado sa Caloocan Sports Complex.

Sa kabila ng mataas na momento, wala sa isip ng Blaze Spikers na maging kumpiyansa.

“Marami pa kaming dapat ayusin sa team kaya kailangan pa rin naming magsipag sa training,” wika ni Petron middle hitter Mika Reyes.

Maliban kay Reyes, aasahan din ng Petron sina wing spikers Ces Molina, Sisi Rondina at Bernadeth Pons gayundin sina Aiza Maizo-Pontillas, Remy Palma at veteran playmaker Rhea Dimaculangan.

Wala pa ring panalo ang Lady Realtors sa anim na laro. Yumuko ang Sta. Lucia sa Cocolife sa kanilang hu­ling pagsalang.

Kaya naman uhaw ang Lady Realtors na maka­sampa sa win column para magkaroon ng magandang momento bago sumalang sa second round.

Papalo para sa Sta. Lucia sina Jhoana Maraguinot, team captain Pamela Lastimosa at  middle blocker Mic Mic Laborte.

PETRON

PSL ALL-FILIPINO CONFERENCE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with