^

PSN Palaro

Hotshots dumikit sa Finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hotshots dumikit sa Finals
Tumapos si Travis ng 25 puntos na tinampukan ng 12 rebounds at pitong assists para ilapit ang Hotshots sa Finals makaraang itarak ang 2-0 bentahe.
Jun Mendoza

Laro Ngayon(MOA Arena)

7pm Meralco vs Alaska

MANILA, Philippines — Muling sinandigan ng Magnolia ang mainit na opensa ni import Romeo Travis para iposte ang 101-97 pananaig laban sa nagdedepensang kam­peong Barangay Ginebra sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinals series sa PBA Governor’s Cup sa Araneta Coliseum kagabi.

Tumapos si Travis ng 25 puntos na tinampukan ng 12 rebounds at pitong assists para ilapit ang Hotshots sa Finals makaraang itarak ang 2-0 bentahe.

Nakakuha rin si Travis ng tulong mula kina Ian Sangalang at Paul Lee na tumapos ng 17 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, hangad ng Meralco na masungkit ang 2-0 bentahe sa serye sa pagharap nito sa Alaska sa Game 2 kanilang sariling best-of-five semis series ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Magbabakbakan ang Bolts at Aces sa alas-7.

Nakapitan ng Meralco ang 1-0 kalamangan sa serye matapos kubrahin ang 97-92 panalo kontra Alaska sa series opener noong Linggo sa Antipolo.

“I think we are just running on adrenaline right now. We’re running on emotions having made the semifinals just two days ago. AD (Allen Durham) has a great game for us again,” ani Meralco coach Norman Black.

ROMEO TRAVIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with