Sy kumakasa pa sa BWC int’l finals

Umiskor si Sy, nagreyna sa national championship, ng game-high na 245 at nagtala ng average na 203 para sa ninth place kasama sa Top 10 ang dalawa pang Southeast Asian bowlers na sina No. 1 Li Jane Sin ng Malaysia (3441) at No. 5 Nadia Pramanik Nuramalina ng Indonesia (3364).

MANILA, Philippines — Napanatili ni Philippine champion Marie Alexis Sy ang kanyang magandang inilalaro matapos magpagulong ng 3248 pinfalls para palakasin ang tsansa sa three-day, 24-game quali­fying series sa women’s division ng 54th Bowling World Cup international finals sa Sam’s Town Center sa Las Vegas, Nevada.

Umiskor si Sy, nagreyna sa national championship, ng game-high na 245 at nagtala ng average na 203 para sa ninth place kasama sa Top 10 ang dalawa pang Southeast Asian bowlers na sina No. 1 Li Jane Sin ng Malaysia (3441) at No. 5 Nadia Pramanik Nuramalina ng Indonesia (3364).

Si Karen Marcano ng Venezuela ang pumapa­ngalawa sa kanyang 3398 kasunod sina Diana Zavalova (3394) ng Latvia, Nadine Geissler (3377) ng Germany.

Samantala, kailangan naman ni Pinoy bowler Merwin Tan na maglaro ng maganda sa third at final eight-game qualifier bukas para mapanatiling matibay ang tsansa sa Bowling World Cup.

Pumuwesto si Tan sa No. 24 sa kanyang 3280 pinfalls matapos ang 16 games.  Si American Kyle Troup ang nangunguna sa men’s division sa kanyang 3760 pinfalls. 

Show comments