MANILA, Philippines — Sa pananaw ni coach Joel Diaz, si Adrien Broner ang pinakamahinang fighter sa listahan ng mga makakalaban ni Manny Pacquiao mula sa Premier Boxing Champions – ang bagong promotional team na makakatuwang ng MP Promotions.
Ayon sa coach ni Lucas Matthysse, mas maraming bigating boxers ang PBC kumpara kay Broner.
“Out of all those fighters (at welterweight from Premier Boxing Champions) I think he will be like the weakest link to fight Manny Pacquiao coming into the new promotional deal with Al Haymon,” ani Diaz sa panayam ng AB Boxing News.
Ilan sa mga pinangalanan ni Diaz sina Errol Spence, Shawn Thurman at Keith Thurman sa mas mga bigating boxers sa ilalim ng PBC na tunay na makapagbibigay ng magandang laban kay Pacquiao.
“I think if you put Errol Spence, Shawn Thurman, Keith Thurman and Adrien Broner, from all those four fighters obviously they are going to start of Manny Pacquiao with the easiest fight. I’m not saying it’s an easy fight but it will be easier than the other names,” dagdag ni Diaz.
Nakatakdang harapin ni Pacquiao si Broner sa Enero 19 sa Amerika kung saan ipagtatanggol ng Pinoy champion ang kanyang World Boxing Association welterweight title.
Binalaan ni Diaz si Broner na maging handa dahil delikadong makaharap ang isang ‘Manny Pacquiao’ na nagtataglay ng pamatay na suntok.
Naramdaman ito ng kampo ni Diaz matapos pabagsakin ni Pacquiao si Matthysse via seventh-round knockout noong Hulyo sa labang ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ito ang unang knockout win ni Pacquiao sapul noong 2009 nang itala nito ang 12th-round TKO kay Miguel Cotto ng Puerto Rico.