SEA Wrestling C’ship kasado na sa San Pablo
MANILA, Philippines — Idaraos ang inaabangang Southeast Asian Wrestling Championship sa Nobyembre 5 hanggang 10 sa San Pablo, Laguna.
Ipinagmalaki ni Councilor Karla Adajar, ang organizing committee head, na handang-handa na ang kanilang lungsod para sa naturang higanteng kaganapan na lalahukan ng pinakamahuhusay na wrestlers at martial artists na dayuhan at talentong lokal.
“Handa na ang ating lungsod sa pagdaraos ng prestihiyosong sports event dahil na rin sa sama-samang pagtutulungan ng organisador, LGU sa pamumuno ni Mayor Loreto Amante at mga konsernadong mamamayan para sa tagumpay ng adhikain,” wika ni Adajar.
Ang naturang torneo ang magsisilbing basehan para madetermina ang kakatawan sa bansa para sa 2019 Southeast Asian Games na iho-host ng Pilipinas.
Ang mga events na nakalatag ay ang freesyile, greco roman, women’s wrestling, submission grappling at Prankration.
- Latest