Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Alaska vs NorthPort
6:45 p.m. Ginebra vs Magnolia
MANILA, Philippines — Alam ni Blackwater coach Bong Ramos ang kakayahan ng Columbian na makapanggulat.
Kaya naman kaagad nagtayo ng double-digit lead ang Elite sa first half patungo sa 120-99 pagpapatumba sa talsik nang Dyip sa 2018 PBA Governor’s Cup kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Ang pang-pitong panalo ng Blackwater sa 10 laro ang nagpalakas sa kanilang tsansa sa ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
Nalasap naman ng Columbian, nagmula sa 100-84 paggupo sa Rain or Shine noong nakaraang Biyernes, ang kanilang ika-10 kabiguan sa 11 laban.
Nagmula ang Elite sa 99-133 pagyukod sa Magnolia Hotshots at sa 109-116 kabiguan sa Alaska Aces bago pabagsakin ang Dyip.
Kaagad ipinoste ng Blackwater ang 13-point lead, 33-20 sa pagsasara ng first quarter hanggang palobohin ito sa 63-40 galing sa split ni Allein Maliksi sa natitirang 12.6 segundo bago ang halftime.
Ang three-point shot ni Mac Belo ang nagpadyak sa kalamangan ng Elite sa 31-point advantage, 79-48 sa 7:02 minuto ng third period.
At hindi na ito naputol ng Columbian sa single digit sa final canto.
Samantala, magtutuos ang Magnolia at nagdedepensang Barangay Ginebra sa isang ‘Manila Clasico’ ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang bakbakan ng Alaska at sibak nang NorthPort sa alas-4:30 ng hapon sa Big Dome.