^

PSN Palaro

Aces, Hotshots tangka ang twice-to-beat

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Aces, Hotshots tangka ang twice-to-beat
Lalarga ang Magnolia kontra Talk ‘N Text sa alas-7 ng gabi habang aarangkada ang Alaska laban sa NLEX sa alas-4:30 ng hapon.
ESPN5 Photo

Laro Ngayon(Ynares Antipolo)

4:30pm NLEX vs Alaska

7pm Magnolia vs TNT

MANILA, Philippines — Sasarguhin ng Magnolia at Alaska ang unang dalawang twice-to-beat berths sa quarterfinals sa pagsagupa nito sa magkahiwalay na bakbakan sa pagpapatuloy ng PBA Season 43 Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Lalarga ang Magnolia kontra Talk ‘N Text sa alas-7 ng gabi habang aarangkada ang Alaska laban sa NLEX sa alas-4:30 ng hapon.

Nakatali ang Hotshots, Aces at Barangay Ginebra sa three-way tie sa unahan ng standings tangan ang pare-parehong 7-2 marka.

Isang panalo na lamang ang kakailanganin ng Magnolia at Alaska para masi­guro ang twice-to-beat card.

Ngunit alam ni Hotshots coach Chito Victolero na hindi ito magiging madali dahil desperado ang TNT Katropa na makakuha ng importanteng panalo.

“We treat it as a regular game but very important game. We knew that Marqus (Blakely) is playing very well so I remind the players about the emotion. I think we can handle this situation as a veteran team,” ani Victolero

Itatapat ni Victolero si import Romeo Travis kasama sina local aces Paul Lee, Ian Sangalang at Mark Barroca na nagnanais makabalikwas mula sa 88-94 kabiguan ng kanilang tropa sa Meralco noong Biyernes.

“It is very crucial since this will solidify our chances to be in the top four. At the same time, we also suffered defeat in our last game,” dagdag ni Victolero.

Nais naman ng Ka­tropa na mapaganda ang rekord nito para mapatatag ang kanilang pag-asang makapasok sa quarterfinals.

Magkasosyo sa No. 7 ang TNT at NLEX na may magkatulad na 4-5 marka.

Sasandalan ng Ka­tropa si dating Best Import Marqus Blakely na may averages na 25 points, 14.3 rebounds, 6.6 assists at 2.0 steals sa kanyang tatlong laro kasama ang TNT.

Sa kabilang banda, depensa ang ilalatag ng Aces para pigilan ang Road Warriors.

“NLEX is always causes us problems with their pace, spreading the floor, and great use of pick and roll. Hopefully we can defend for 48 minutes and take care of basketball,” ani Alaska coach Alex Compton.

MAGNOLIA VS ALASKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with