MANILA, Philippines — Balik aksiyon si Michele Gumabao matapos ang kanyang laban sa 2018 Miss Globe na ginanap sa Albania.
“Volleyball naman ang labanan. In life, there are wins and there are losses but God knows what’s best for us,” ani Gumabao.
Inaasahang masisilayan si Gumabao sa Linggo sa oras na makaharap ng Creamline ang Ateneo de Manila University sa Batangas Sports Complex.
Kasalukuyang may 6-1 marka ang Cool Smashers para pamunuan ang standings habang nakabuntot sa ikalawa ang BanKo Perlas (6-2) at ikatlo ang Ateneo (5-2).
Nakapasok sa Top 15 si Gumabao ngunit bigo itong umusad sa Top 5.
Gayunpaman, nag-uwi ito ng dalawang special awards – Miss Dream Girl at Miss Social Media.
Kaya naman sabik na si Gumabao na muling makasama ang kanyang mga katropa sa Creamline na kasalukuyang nangunguna sa PVL Season 2 Open Conference.
“I can’t wait to go back to training again. After every setback, you just gotta get back up the next day and look more fabulous,” ani Gumabao.