^

PSN Palaro

Adamson, Ateneo matatag pa rin sa liderato

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Adamson, Ateneo matatag pa rin sa liderato
Iniwas ni Kib Montalbo ng La Salle ang bola sa tangkang supalpal ni Sean Manganti ng Adamson sa aksyong ito sa UAAP.
Joey Mendoza

Laro Ngayon(FilOil Flying V Center)

2 p.m. UST vs NU  (M)

4 p.m. UP vs UE  (M)

MANILA, Philippines — Sumandal ang Adamson sa mahigpit na depensa upang bumawi sa La Salle, 57-50 habang nagwagi rin ang Ateneo kontra sa Far Eastern University, 82-62 kahapon sa pagpapatuloy ng Season 81 UAAP men’s  basketball  tournament sa Araneta Coliseum.

Dahil sa depensa ng Falcons, nalimitahan ang Green Archers sa dalawang puntos lamang sa opening quarter sa low-scoring game para manatili ang Adamson sa liderato kasama ang nagdedepensang Ateneo Blue Eagles sa parehong 7-2 win-loss kartada.

Nagawa lamang ng Green Archers na umiskor sa unang field goal sa 8:39 ng ikalawang yugto mula kay Justine Baltazar.

Pero patuloy pa rin ang magandang depensa ng Soaring Falcons para makumpleto ang paghihiganti sa kanilang 78-79 overtime loss sa La Salle sa first round ng elimination noong Oktubre 13.

Bagama’t nabigo ang Green Archers, nanatili pa rin sila sa sosyohan sa ikatlong puwesto kasama ang FEU Tamaraws sa parehong 5-4 card.

“We prepared pretty well against La Salle. E­veryone was excited to play against them today. I guess what really transpired in this game is our defense. We have showed today that we’re able to control them,” sabi ni head coach Franz Pumaren sa kanya ring unang panalo sa La Salle makaraan ang walong pagtatagpo simula noong 2016.

Bigong resolbahin ng Green Archers ni coach Louie Gonzales ang depensa ng Falcons kaya umani lamang sila ng mababang 26 percent shoo­ting sa field habang 30 porsyento naman sa tropa ni coach Pumaren.

Sa ikalawang laro, kahit wala si Thirdy Ravena dahil sa one-game suspension at ang injured na sina Matt at Mike Nieto, nanatili pa ring solido ang opensa at depensa ng Blue Eagles upang angkinin ang kanilang pang-pitong panalo sa siyam na laro.

Umalagwa ang Blue Eagles sa ikatlong yugto para i-poste ang unang pinakamalaking kalama­ngan, 54-33 sa triple ni Jolo Mendoza, mahigit 4:21 pa ang natitira sa third period upang makabawi sa kanilang 60-63 talo sa Tamaraws sa first round ng elims noong Oct. 10.

Humataw ang rookie Ivorian import na si Angelo Kouame ng career-high 33 puntos, 27 rebounds, isang assist at isang block habang si Anton Asistio ay tumulong ng 15 puntos at tatlong assists para sa Ateneo.

SEASON 81 UAAP MEN’S BASKETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with