^

PSN Palaro

Pinoy pugs kumakasa pa sa Tammer Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy pugs kumakasa pa sa Tammer Cup
Masuwerteng nakapasok si Ramel Macado Jr. sa final round ng men’s light flyweight division (46-49 kg.) matapos makasiguro ng bye sa kanyang kategorya.

MANILA, Philippines — Isang pinoy pug ang umusad sa finals habang pasok sa semis ang da­lawa pang miyembro ng national team sa 39th International Tammer Boxing Tournament na ginaganap sa Tampere, Finland.

Masuwerteng nakapasok si Ramel Macado Jr. sa final round ng men’s light flyweight division (46-49 kg.) matapos makasiguro ng bye sa kanyang kategorya.

Makakasagupa nito si Aqeel Ahmed ng Scotland sa gold-medal match na lalaruin sa Linggo (Lunes sa Maynila).

Nakahirit din ng tiket sa semifinals sina Marvin Tabamo (men’s flywieght 52 kg.) at Ryan Boy Moreno (men’s bantamweight 56 kg.) sa kani-kaniLang dibisyon.

Sasagupain ni Tabamo si Istvan Szaka ng Hungary kung saan ang magwawagi ang siyang haharap kay Kirill Serikov ng Estonia sa championship round.

Sa pag-entra sa semis, nakasisiguro na sina Tabamo at Moreno ng tig-isang tansong medalya.

Lalarga naman si Moreno kontra kay Enzo Grau ng France sa semis.

Ang mananaig kina Moreno at Grau ang uusad sa finals kontra kay Masi Jurvanen ng Finland.

Hindi naman pinalad ang ikaapat na miyembro ng koponan na si Sugar Rey Ocana nang lumasap ito ng unanimous decision loss kay Hadi Srour ng Norway sa first round ng men’s light welterweight (64 kg.).

39TH INTERNATIONAL TAMMER BOXING TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with