^

PSN Palaro

Falcons sumosyo sa liderato; Green Archers wagi sa Red Warriors

FCagape - Pilipino Star Ngayon
Falcons sumosyo sa liderato; Green Archers wagi sa Red Warriors
Ibinitin ni Andrei Caracut ng La Salle ang kanyang tira laban kay Shannon Gagate ng UE.
(Kuha ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Adam­son University ang Natio­nal University, 69-58, pa­­ra su­­­mosyo sa liderato sa Sea­son 81 UAAP men’s bas­­ketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hangad makabangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo, agad lumamang ang Falcons ng 16 puntos, 27-11, sa unang yug­to at lomobo sa 42-23 sa first half tungo sa ka­nilang ikaanim na panalo at muling makasama ang nag­dedepensang Ateneo Blue Eagles sa top spot sa pa­rehong 6-2 kartada.

Tumapos si Jerrick Ahan­misi na may 21 points at 3 rebounds, habang may 16 points, 10 rebounds at 2 steals naman si import Papi Sarr para sa magandang umpisa ng Adamson sa se­cond round.

Nagdagdag din ng 11 points si Sean Manganti pa­ra sa tropa ni head coach Franz Pumaren.

Hindi rin nagpahuli ang De La Salle Green Ar­chers matapos tambakan ang University of the East Red Warriors, 79-59, para makisalo sa ikatlong puwesto kasama ang Far Eastern University Tamaraws sa parehong 5-3 baraha.

Nagtulung-tulong sina En­cho Serrano at Adrei Ca­racut sa pinagsamang 15 points sa 17-3 rally ng Green Archers sa third period para masungkit ang ka­nilang panalo.

Samantala, sinuspindi ng UAAP si Arvin Tolenti­no ng FEU Tamaraws ng da­lawang laro, habang tig-isa sina Thirdy Ravena ng Ateneo at Javi Gomez de Liano ng UP Fighting Maroons dahil sa unsportsmanlike foul sa nakaraan ni­lang laro.

SEA­SON 81 UAAP MEN’S BAS­­KETBALL TOURNAMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with