MANILA, Philippines — Nang maagaw ang pangunguna ay hindi na bumitaw ang Forest Cover patungo sa pamamahala sa 2nd leg ng Philippine Racing Commission (Philracom) Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Saddle and Leisure Park sa Naic, Cavite noong Linggo.
Iniwanan ng Forest Cover ang mga karibal na Mona's Mark at Electrify sa huling 300 metro para mamayani sa nasabing 1,300-meter race.
Itinakbo ng Forest Cover, ginabayan ni jockey O’Neal Cortez, ang premyong P600,000 para kay horse owner Aristeo G. Puyat.
Ang iba pang nanalo sa 12-race Philippine Racing Club Inc. noong Linggo ay ang Cojuangco Cup champion Hitting Spree (Race 1), Summer Cruise (Race 2), Ace Up (Race 4), Kingship (Race 5), Shadow Of The Sun (Race 7), Pride Of Laguna (Race 8), Lakambini Stakes winner Disyembreasais (Race 9), Silver Glow (Race 10), Shoo In (Race 11) at Minotaur (Race 12).
Samantala, nakatakda namang pakakawalan ang Sampaguita Stakes Race sa Oktubre 28 kasunod ang Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Cup, MARHO Racing Event at ang 1st Leg of 3YO Open Challenge Series sa Nobyembre 4 at ang 3rd Legs ng Juvenile Fillies Stakes Race at Juvenile Colts Stakes Race sa Nobyembre 18.