^

PSN Palaro

Saso malamya ang inilaro, Oliva pumuwesto sa No. 7 sa finals

Pilipino Star Ngayon

BUENOS AIRES -- Pu­malo si Fil-Japanese Yu­ka Saso ng mababang four-over-par 74 para pumu­westo sa pang-lima sa women’s golf sa 2018 Youth Olympic Games dito.

Inamin ni Ric Gibson, ang coach ni Saso, na hindi maganda ang inilaro ng 17-anyos na national golfer.

“She didn’t play her best to­day,’’ wika ni Gibson kay Sa­so na may dalawang bo­gey sa No. 11 at No. 15 at may birdie sa No. 12. “It’s really tricky out there today.’’

Nagtala si Saso, ang double gold medalist sa na­ka­raang 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia, ng pi­nagsamang 145 sa naka­raang dalawang araw at li­mang strokes ang agwat sa mga nangungunang si­na Alessia Nobilio ng Italy at Kim Grace ng Australia.

Si Grace ay nagposte ng 69, habang may 72 si No­bilio para sa magkatulad ni­lang 140 kasunod sina Em­ma Spitz (70) ng Aus­tra­lia at Hoyu An (72) ng Chi­­nese-Taipei.

Sampung strokes naman ang agwat ni Pinoy gol­fer Carl Jano Corpus sa mga lider mula sa kanyang 76.

Nagkaroon ng dalawang bogey ang 17-anyos na si Corpus sa front nine at tatlo pa sa Nos. 13, 14, 15 makaraan ang double bogey sa No. 10.

Bumandera si Karl Vi­lips ng Australia mula sa kanyang 69-68-137.

“Carl had the same problem today. They putted really well yesterday but didn’t putt as well today,’’ ani Gibson.

Samantala, nakapasok naman si Pinay swimmer Nicole Oliva sa finals ng wo­men's 200m freestyle.

Subalit tumapos lamang siya sa No. 7 sa me­dal race sa kanyang oras na 2:02.1.

“To make it in the YOG finals is one huge accomplishment for any junior swimmer. Amazing,’’ sabi ni Philippine Swimming Inc. president Lani Velasco.

2018 YOUTH OLYMPIC GAMES

YU­KA SASO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with