^

PSN Palaro

Nayre hangad makapasok sa round-of-16

Pilipino Star Ngayon
Nayre hangad makapasok sa round-of-16
Lalabanan ng 18-anyos na si Nayre si Nicolas Igna­cio Burgos ng Chile sa Group B ng men’s singles preliminary stage bago ha­ra­pin si Maciej Kolod­ziej­czyk ng Austria matapos ang anim na oras.
AFP

BUENOS AIRES -- Si­­si­mulan ni Jann Mari Nay­re ang laban ng Pilipinas sa 2018 Youth Olympic Games sa Table Tennis Are­na of the Technopolis dito.

Lalabanan ng 18-anyos na si Nayre si Nicolas Igna­cio Burgos ng Chile sa Group B ng men’s singles preliminary stage bago ha­ra­pin si Maciej Kolod­ziej­czyk ng Austria matapos ang anim na oras.

Isasara ni Nayre, ang unang Filipino table tennis player na nakakuha ng tiket sa YOG na nagtatampok sa pinakamahuhusay na 18-under athletes sa buong mundo, ang elimination round sa pagsagupa kay Kha­nak Jha ng United States kinabukasan.

Nakakuha siya ng tiket patungo dito sa Argentinian capital matapos manalo sa Rarotonga qualifiers sa Cook Islands noong Hunyo bagama't hindi nakakuha ng medalya sa katatapos na 18th Asian Games sa Indonesia at noong 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Opisyal na binuksan ni Argentina president Mauricio Macri ang ikatlong edis­yon ng YOG sa ope­ning ce­remony sa Obelisco de Bue­nos Aires kung saan higit sa 4,000 atleta mula sa 206 bansa ang maglalaro sa 32 sports sa susunod na 13 araw.

Si golfer Yuka Saso, ang 2018 Asian Games dou­ble-gold medalist ng ban­sa, ang naging flag bea­rer ng bansa.

Ang iba pang miyembro ng Philippine delegation ay sina Filipino-Norwegian Christian Tio (kiteboar­ding), Lawrence Everett Tan (fencing), Carl Jano Cor­pus (golf), Nicole Oliva (swimming) at Nicole Tagle (archery).

2018 YOUTH OLYMPIC GAMES

JANN MARI NAY­RE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with