Drawing
Draw ang resulta ng title fight ni Jerwin Ancajas at ng kanyang Mexican challenger na si Alexander Santiago Barrios sa California kahapon.
Split draw. Ibig sabihin, may isang judge para kay Ancajas (116-112), isa para kay Barrios (118-111) at isa na tabla (114-114). Nagulat ako sa judge na nagbigay ng panalo sa challenger.
Dahil sa draw, nanatiling IBF super-flyweight champion si Ancajas.
Sa akin, panalo si Ancajas. Pero hindi impressive.
Sa tingin ko lang, hindi dapat siya nahirapan sa kalaban na mas maliit sa kanya. Si Ancajas ay 5’6 at si Barrios ay 5’2.
Pero nahirapan si Ancajas. Siya ang mas mataas pero hindi niya makuha ang distansya.
Inabangan siya ni Barrios. At ilang beses na tumama ito ng malalakas na suntok. Sa fourth round, tila nakalog si Ancajas ng kanan.
Yun ang punch of the fight para sa akin.
Parang pigil ang mga suntok ni Ancajas. Parang mabigat at malayo ang pinanggalingan.
May mga wild shots siya. Kung tumama man siya ng solid, bilang.
Natural, lamang siya sa punch stats o sa bilang ng mga suntok na tinapon at tumama. Pero gaya ng sinabi ko, hindi solid.
Kaya after the final bell, sumampa si Barrios sa corner at nag-celebrate na tila nanalo siya.
At nang ma-announce na ang draw, nag-boo raw ang Mexican fans.
Wala namang duda, panalo si Ancajas.
Dehins nga lang impressive.
- Latest