^

PSN Palaro

Floyd alam kung paano gigibain si Pacquiao sa rematch--Juan Ma

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Floyd alam kung paano gigibain  si Pacquiao sa rematch--Juan Ma
Sa panayam ng isang Mexican television, sinabi ni Juan Manuel Marquez na magiging madali kay Mayweather na talunin si Pacquiao sa kanilang pinaplantsang rematch.
File

MANILA, Philippines — Apat na beses niyang nakasuntukan si Manny Pacquiao  habang natalo naman siya kay Floyd Mayweather Jr. sa nag-iisa nilang bakbakan.

Sa panayam ng isang Mexican television, sinabi ni Juan Manuel Marquez na magiging madali kay Mayweather na talunin si Pacquiao sa kanilang pinaplantsang rematch.

“Just like the first one but I think it would be easier (this time) for Floyd,” sabi ng 45-anyos na si Marquez, nagretiro nang may itinalang 56-7-1 win-loss-draw ring record kasama ang 40 knockouts.

Kamakailan ay nagkita sina Pacquiao 60-7-2, 39 KOs) at Mayweather (50-0-0, 27 KOs) sa isang music festival sa Tokyo, Japan kung saan nila napag-usapan ang kanilang rematch.

Wala pang nangyayaring opisyal na negosasyon sa pagitan ng mga kampo ng 39-anyos na si Pacquiao at ng 41-anyos na si Mayweather.

Apat na ulit nagtagpo sa ibabaw ng boxing ring sina Pacquiao at Marquez, ang huli ay nang patulugin ng Mexican boxing great si ‘Pacman’ sa huling segundo ng sixth round noong Disyembre 8, 2012.

Natalo naman si Marquez kay Mayweather via unanimous decision noong Setyembre 19, 2009.

Ayon kay Marquez, alam na ni Mayweather kung paano muling tata­lunin si Pacquiao.

“Mayweather knows what Manny already does. He would handle the distance and lateral movement easier this time. He would be defensive again and there would be little risk in the fight for him (Mayweather),” ani Marquez.

Binigo ni Mayweather si  Pacquiao via unanimous decision sa kanilang super fight noong Mayo ng 2015.

FLOYD MAYWEATHER JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with