^

PSN Palaro

Domogan sa mga LGUs: Tumulong sa programa ng PSC

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Domogan sa mga LGUs: Tumulong sa programa ng PSC
“Everybody should help the PSC. These athletes are our future “cream of the crop” kaya mahalaga itong Batang Pinoy program. Subalit kung hahayaan na lang natin na ang PSC lamang ang gagawa sa lahat ng kailangang gawin mahihirapan din pati tayong mga participants at ang mga atleta natin. Let us all help the PSC and the Batang Pinoy program,” ayon naman kay Domogan.
PIA Facebook

BAGUIO City, Philippines — Hinikayat ni Mayor Mauricio Domogan ng host Baguio City ang lahat ng mga local government units (LGUs) na tulungan ang Philippine Sports Commission para lalo pang palakasin ang pagdaraos ng taunang nationwide Batang Pinoy kumpetisyon.

“Everybody should help the PSC. These athletes are our future “cream of the crop” kaya mahalaga itong Batang Pinoy program. Subalit kung hahayaan na lang natin na ang PSC  lamang ang gagawa sa lahat ng kailangang gawin mahihirapan din pati tayong mga participants at ang mga atleta natin. Let us all help the PSC and the Batang Pinoy program,” ayon naman kay Domogan.

Sa panig naman ni PSC chairman William “Butch” Ramirez, pinasa­lamatan niya ang lahat na mga atleta at mga opis­yales mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa kanilang tulong sa mata­gumpay na pagdaraos sa isang linggong 11th  Batang Pinoy National Finals na ginanap sa Baguio City Athletic Bowl at sa La Trinidad, Benguet.

Tuluyang inangkin ng Baguio City ang ikalawang sunod na overall title sa kanilang kabuuang 83-81-107 gold-silver-bronze tally kasunod ang Cebu City sa 36-40-44 habang pangatlo ang Laguna (34-13-31) at pang-apat ang Quezon City (29-16-18) at pang-lima ang Pangasinan (24-24-25).

Kabilang din sa top 12 ang Cebu Province (22-10-21), Zamboanga City (19-24-18), Dasmariñas City  (19-7-9), Pasig City (17-26-14), Gen. Santos City (15-15-24), Manila (15-7- 7) at Lucena City (14-9-4).

MAURICIO DOMOGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with