Butler ayaw na sa Timberwolves
MINNESOTA — Tila hindi masaya si All-Star guard Jimmy Butler sa Timberwolves.
Isang linggo bago magsimula ang training camp ay humiling ang 29-anyos na si Butler sa Minnesota para sa isang trade.
Ipinaalam ito ng four-time All-Star kay head coach Tom Thibodeau, ayon sa report ng The Athletic.
Nagbigay si Butler ng listahan sa Timberwolves ng mga koponang gusto niyang laruan na kinabibilangan ng Brooklyn Nets, New York Knicks at Los Angeles Clippers.
Isang first-round draft pick noong 2011, hinirang si Butler bilang NBA Most Improved Player noong 2014-15 at dalawang beses napabilang sa All-NBA Third Team at apat na beses sa All-Defensive Second Team.
Ibinigay ng Chicago Bulls si Butler sa Minnesota matapos ang isang trade noong Hunyo ng 2017.
Sa 59 games sa nakaraang season ay naglista si Butler ng mga averages na 22.2 points, 5.3 rebounds, 4.9 assists at 2.0 steals per game para sa Timberwolves.
- Latest