UAAP games kinansela
MANILA, Philippines — Matapos ang konsultasyon ng UAAP Board Managing Director, nagdesisyon si Season 81 President Nilo Ocampo na kanselahin ang mga laro ngayong araw dahil sa inaasahang pagbuhos ng ulan dulot ng super typhoon Ompong.
Ang mga nakanselang laro ay sa pagitan ng nag-dedepensang Ateneo Blue Eagles at Far Eastern University Tamaraws at ng De La Salle Green Archers laban sa Adamson Soaring Falcons na nakatakda sanang ganapin sa Smart Araneta Coliseum.
Bukod sa men’s game, kanselado rin ang women’s matches ng UST Tigresses kontra sa De La Salle Lady Archers at ng NU Lady Bulldogs laban sa Adamson Lady Falcons.
Nauna ng ipinahayag noong nakaraang Huwebes ang pagpapaliban sa pagbubukas ng chess tournament ngayong araw sa UST Quadricentennial Pavillion.
Ayon kay Ocampo, nararapat lamang na ipagpaliban ang mga laro ng UAAP Season 81 para sa kaligtasan ng mga manlalaro at ng mga fans ng liga.
Lahat din ng paaralan sa pribado at publiko ay nagkansela rin ng klase sa lahat ng antas bunga ng inaasahang malakas na ulan at hangin dahil sa bagyong Ompong na tinatayang lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas.
- Latest