Parks itinakas ang Mandaluyong

Umani pa ng anim na assists at limang rebounds si ABL back-to-back MVP Parks para umangat sa top spot kasama ang Manila Stars, Bataan Risers at San Juan Knights sa parehong 6-1 win-loss kartada sa Northern Division.

MANILA, Philippines — Nagpasabog ng 26 pun­tos si Bobby Ray Parks Jr. upang makaeskapo ang Mandaluyong El Tigre laban sa Parañaque P­atriots, 77-75 para maitala ang ka­nilang pang-anim na sunod na panalo sa pagpapatuloy ng 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Umani pa ng anim na assists at limang rebounds si ABL back-to-back MVP Parks para umangat sa top spot kasama ang Manila Stars, Bataan Risers at San Juan Knights sa parehong 6-1 win-loss kartada sa Northern Division.

Ang Knights ay naki­sos­­yo rin sa liderato sa Northern group matapos tam­bakan ang Zam-­ ­­boa­nga Valientes, 80-59 para ma­kamit din ang parehong pang-anim na panalo.

Umarangkada ang da­ting Ginebra player na si John Wilson ng 15 puntos sa second half para ibagsak ang Valientes sa 4-4 card sa Southern Division.

Umiskor ng kabuuang 23 puntos ang dating JRU hitman na si Wilson ng  4-of-7 shooting sa three-point area na may kasamang wa­long rebounds at isang assist habang si Mac Cardona ay tumulong din ng 11 puntos, anim na rebounds at dalawang assist at 11 puntos, siyam na rebounds at limang assists mula kay Larry Rodriguez.

“Hindi ko alam bakit masama yung simula namin. But I was vocal to them at half time. I encouraged them to give everything they got because we have relievers on this team who can substitute them each time they need a breather,” sabi ni Wilson.

Show comments