Tigers dinurog ang Classics sa balwarte
MANILA, Philippines — Hindi pinahiya ng Davao Occidental Tigers ang kanilang unang hosting sa 2018 Maharlika MPBL Datu Cup matapos ilampaso ang Valenzuela Classics, 92-85 noong Huwebes ng gabi sa USEP Gymnasium at Cultural Center sa Davao City.
Limang manlalaro ng Tigers ang tumapos sa double digits sa pangunguna ni Billy Robles sa kanyang 21 puntos na may kasamang 10 rebounds habang si Bonbon Custodio ay umani ng 18 puntos at siyam na assists para.
Tumulong din ng tig-13 puntos sina Leo Najorda, Mark Yee at Mico Estrellante para masungkit ng Davao ang pang-limang panalo sa walong laro.
Lalong naging inspirado ang mga Tigers dahil sa pagdalo ni Davao City Mayor Sara Duterte sa unang home game ng Davao Occidental upang angkinin ang kanilang ikalawang sunod na panalo.
Sa iba pang laro, nagwagi rin ang Pasig Pirates kontra sa Rizal Heroes 81-78 upang masungkit ang kanilang unang panalo sa pitong laro.
Dahil sa talo, ang Rizal Heroes ay bumaba sa 2-6 win-loss kartada.
- Latest