^

PSN Palaro

Dating hinahabol ng pulis, isa nang bayani ngayon

Mae Balbuena-Villena - Pilipino Star Ngayon
Dating hinahabol ng pulis, isa nang bayani ngayon
Taas noong uuwi ang skateboarder na si Margielyn Didal, ang naghatid ng ikaapat na gold medal ng Pinas mula sa 18th Asian Games.
ESPN5/twittwer.com

JAKAARTA— Ang dating hinuhuli-huli ng mga pulis na anak ng isang karpintero at tindera ng kwek-kwek ay isa na ngayong bayani ng Pinas.

Taas noong uuwi ang skateboarder na si Margielyn Didal, ang naghatid ng ikaapat na gold medal ng Pinas mula sa 18th Asian Games.

Salamat sa mga humuhuli noong pulis sa grupo ng 19-gulang na si Didal, mas lalo siyang naging determinado, nadiskubre at ngayon ay isa nang bayani ng Pinas matapos makopo ang ikaapat na gold medal ng bansa  sa women’s street skateboarding competition sa Jabakaring Sports City sa Palembang.

Hiling ni Margielyn Didal, mabago ang tingin ng tao sa mga skateboarders at magkaroon ng maraming skateboard parks sa Pilipinas.

“Lagi kaming hinahabol ng pulis, bawal kami pumasok sa mall na may dalang skateboard,” kuwento ni Didal, nadiskubre sa Concave Skate Park sa Lahug, Cebu City kung saan nagtitinda ang kanyang Nanay ni coach Danny Gutierrez pitong taon na ang nakakaraan.

“Malaking karangalan po na mag-iba ang paningin ng tao sa skaters.

“Nabigyan ng boses ang skateboard. Gusto ko rin na maipakita na skateboarding is a serious sport but can also be fun as well,” dagdag pa ng 19-anyos na si Didal, nakatakda sanang umuwi kahapon pabalik ng Pilipinas ngunit mananatili siya rito hanggang closing ceremonies sa Sabado dahil siya ang itinalagang flag bearer ng Philippine delegation.

Tulad ng mga gold medalist na sina weightlifter Hidilyn Diaz, golfer Yuka Saso na nanguna sa women’s  team naka-gold din kasama sina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go, tatanggap si Didal ng P6 milyon kabuuang  incentives.

Susunod na pagsisikapan ni Didal ay ang maka­pag-qualify sa 2020 Tokyo Olympics kung saan kailangan niyang makaipon ng puntos sa mga qualifying tournaments.

vuukle comment

MARGIELYN DIDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with