JAKARTA— Nabigo ang BMX rider na si Daniel Caluag na ipagtanggol ang kanyang Asian Games title ngunit nakapagdeliber pa rin siya ng bronze medal --ikapito ng Team Philippines sa 18th Asian Games sa Pulomas International BMX Center.
“It’s not the result that I wanted and what I came here for. The vision was the gold. But the Japanese came in strong,” ani Caluag ang tanging nanalo ng gold medal para sa Pinas noong 2014 Incheon Asiad sa South Korea.
“But I’m happy with the finish. I would have liked a better color, but any medal for the Philippines is definitely good result especially on the world stage,” dagdag ng 31 gulang na ngayong si Caluag na nagtatrabaho na rin bilang nurse para sa kanyang dalawang anak sa Amerika.
Ang bronze ni Caluag ay dagdag sa bronze medal mula sa men’s at women’s poomsae team, (Agatha Wong at Divine Wally) ng wushu, taekwondo jin Pauline Louise Lopez at Meggie Ochoa ng ju-jitsu at ang nag-iisa pa lamang na gold ng Pinas mula kay Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz.
Kumpara sa gold medalist na si Japanese Yoshitaku Nagasako na isang full-time athlete, si Caluag ay nagta-trabaho sa dalawang ospital, tatlong beses sa isang linggo.
“He’s my biggest competitor. He’s playing the rounds strategically, knowing it’s a hot race and hoping the riders would spend their energy. He played the same game I played,” sabi pa ni Caluag.
Ang kanyang kapatid na si Christopher Caluag ay tumapos na pang-lima sa men’s motos heat 2, para mag-qualify sa finalhabang si Sienna Elaine Fines ay tumapos na pang-lima sa women’s finals.
Kasalukuyang lumalaban ang sigurado na sa quarterfinals na Philippine women’s volleyball team kontra sa kanilang SEA Games rival na Indonesia kagabi.
Nakatakda namang lumaban sina Dines Dumaan at Jefferson Rhey Loon sa kani-kanilang semifinal matches para makasiguro ng silver medal.