^

PSN Palaro

Che’Lu humirit ng rubber match

Pilipino Star Ngayon
Che’Lu humirit ng rubber match
Solidong opensa ang naging armas ng Revellers kung saan anim na manlalaro nito ang nagtala ng double figures sa pa­ngunguna ni Jeff Viernes na kumana ng 18 puntos, limang assists at tatlong rebounds.

MANILA, Philippines — Napigilan ng Che’Lu Bar and Grill ang selebras­yon ng Go For Gold matapos kubrahin ang 88-81 panalo sa Game 4 upang maipuwersa ang rubber match sa PBA D-League Foundation Cup best-of-five championship series kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Solidong opensa ang naging armas ng Revellers kung saan anim na manlalaro nito ang nagtala ng double figures sa pa­ngunguna ni Jeff Viernes na kumana ng 18 puntos, limang assists at tatlong rebounds.

Naging sandalan din ng Che’Lu si Jessie Collado na kumamada ng 16 points at 10 boards gayundin si Chris Bitoon na humakot naman ng 14 markers at JR  Taganas na may sariling double-double na 10 points at 16 rebounds.

Nag-ambag naman sina Stephen Siruma at Levi Hernandez ng 11 at 10,  ayon sa pagkakasunod.

Nagtala ang Revellers ng 40 percent shooting laban sa 35 ng Scratchers.

Dikit ang bakbakan sa shaded area kung saan nakakuha ang Che’Lu ng 56 boards kumpara sa 51 ng Go For Gold.

Pinamunuan ni Gab Banal ang scoring ng S­cratchers tangan ang 20 points kasama sina Rey Publico at Matt Salem na may tig-14-point production.

Samantala, nasungkit ni Viernes ang conference MVP plum matapos magtala ng averages na 18.8 points, 4.5 rebounds, 4.5 assists at 2.0 steals. (CCo)

CHE’LU BAR AND GRILL

GO FOR GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with