^

PSN Palaro

Pinoy jins handa nang sumipa sa Asiad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy jins handa nang sumipa sa Asiad
Binubuo ng 17 atleta ang national taekwondo team sa pangunguana ni Olympian Kirstie Elaine Alora na sasabak sa wo­men’s heavyweight division.
Pauline Louise Lopez

MANILA, Philippines — Handa na ang natio­nal taekwondo team na makatulong sa kampanya ng pambansang delegasyon sa 2018 Asian Games na nakatakdang magsimula sa Agosto 18 sa Jakarta, Indonesia.

Binubuo ng 17 atleta ang national taekwondo team sa pangunguana ni Olympian Kirstie Elaine Alora na sasabak sa wo­men’s heavyweight division.

Lalarga rin sina Southeast Asian Games champions Samuel Thomas Harper Morrison at Pauline Louise Lopez kasama sina Kristopher Uy, Francis Aaron Agojo, Arven Alcantara, Dustin Mella, Rodolfo Reyes Jr., Jordan Dominguez, Jenar Torillos, Baby Jessica Canabal, Rhezie Aragon, Darlene Arpon, Janna Dominique Oliva, Juvenile Faye Crisostomo, Jocelyn Ninobla at Rinna Babanto.

Sumailalim ang Pinoy jins sa matinding pagsasanay upang masiguro na nasa perpektong kundisyon ito sa ilalim ng South Korean trainer na si Tae Sang Lee kasama sina national coaches Dindo Simpao at Japoy Lizardo.

“Sobrang tindi ng training namin. Maraming drills na pinapagawa sa amin na talaga namang makakatulong sa amin,” wika ni Alora.

Nakapagbigay ang taekwondo ng limang tansong medalya noong 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Ngunit sa limang tanso, tanging sina Alora at Morrison na lamang ang magbabalik sa pagkakataong ito.

At umaasa ang dalawang beteranong jins na mas magiging maningning ang kanilang kampanya sa pagkakataong ito – ang makapag-uwi ng gintong medalya.

 

 

 

PAULINE LOUISE LOPEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with