Che’lu determinadong makuha ang 2-0 lead vs Go For Gold

Hawak ng Revellers ang 1-0 bentahe sa s erye matapos ang 100-96 come-from-behind win sa Game 1 noong nakaraang linggo.
PBA images

MANILA, Philippines — Makalapit sa titulo ang tatangkain ng Che’Lu Bar and Grill sa oras na muli nitong makaharap ang Go For Gold sa Game 2 ng 2018 PBA D-League Foundation Cup best-of-five championship series ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Hawak ng Revellers ang 1-0 bentahe sa s  erye matapos ang 100-96 come-from-behind win sa Game 1 noong nakaraang linggo.

Kaya naman deter­minado ang Che’Lu na ma­ipagpatuloy ang magandang ratsada kontra sa Scratchers sa kanilang bakbakan sa alas-5 ng hapon.

Pinaalalahanan din ni Revellers head coach Stevenson Tiu na ayaw na nitong maulit ang nangyari sa kanila sa season-opening Aspirants’ Cup.

Magugunitang nakuha ng Revellers ang series opener kontra sa Zark’s Burgers ngunit yumuko ito sa dalawang sunod na laro sa best-of-three finals upang magkasya sa runner-up honors.

“I’ll remind my players that we won the first game then we lost the succeeding games. That’s why I’m going to remind them that we have to win every game. If we can sweep this, so be it. We don’t want a repeat of what happened last confe­rence,” ani Tiu.

Muling sasandalan ng Revellers si Jeff Viernes na nagpasabog ng 24 puntos sa Game 1 kasama sina Chris Bitoon at Jesse Collado.

Handa rin ang Revellers sa anumang pagresbak na gagawin ng Scratchers na gigil na maitabla ang serye.

Hindi nawawalan ng pag-asa si Go For Gold guard Jai Reyes dahil alam nito ang kapasidad ng kanilang tropa.

Sa katunayan, nagawang lumamang ng S­cratchers sa buong panahon ng laban ngunit kinapos lamang ito sa hu­ling sandali ng laro upang tuluyang ipaubaya ang panalo sa Revellers.

“Game 1 is just one game. Although it was a painful loss, the positive side about it that we knew that we can take a huge lead,” ani Reyes. (CCo)

Show comments