^

PSN Palaro

Isa na lang sa Che’Lu

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Isa na lang sa Che�Lu
Nag-aalab si Jeff V­iernes nang pakawalan nito ang 34 puntos kasama ang paghatak ng walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals para banderahan ang Revellers sa 1-0 kalamangan sa serye.
File Photo

Laro sa Martes(Ynares Pasig)

5pm Go For Gold vs Che’Lu

MANILA, Philippines — Naiselyo ng Che’Lu Bar and Grill ang 100-96 come-from-behind win laban sa Go For Gold upang makuha ang unang panalo sa 2018 PBA D-League Foundation Cup best-of-five championship showdown kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nag-aalab si Jeff V­iernes nang pakawalan nito ang 34 puntos kasama ang paghatak ng walong rebounds, tatlong assists at dalawang steals para banderahan ang Revellers sa 1-0 kalamangan sa serye.

Hindi rin nagpaawat si Chris Bitoon na pumukol ng 22 markers gayundin sina Jessie James Collado at Jay-Ar Taganas na may pinagsamang 22 puntos at 14 boards.

Apat na Go For Gold players ang nagtala ng double digits sa pangu­nguna ni Gab Banal na may double-double na 24 points at 13 rebounds habang nagtala sina Jai Reyes at Chris Porter ng tig-11 at Vince Tolentino ng 10.

Nagawang makalamang ng Scratchers sa unang tatlong quarters.

Subalit umarangkada ng husto ang Revellers sa fourth quarter sa likod ni Viernes.

Nakabaon sa tatlo sa huling mga segundo ng laban, 96-99  sinubukang makabalik ng Scratchers ngunit nagmintis si Reyes sa tangkang game-t­ying triple bago tuluyang i­selyo ng Revellers ang panalo.

vuukle comment

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with