Quezon City tambak sa Bataan

Umiskor ang dating PBA ace shooter na si Gary David ng 21 puntos na may kasamang dalawang rebounds habang si Jeepy Faundo ay tumulong ng 12 puntos at anim na rebounds para masungkit ang ikalimang panalo sa anim na laro ng Bataan.

Laro Bukas(Valenzuela City Astrodome)

6 p.m.  Mandaluyong  vs San Juan           

8 p.m.  Valenzuela  vs Gen. Santos City   

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag­-ragasa ng Bataan Ri­sers ma­tapos tambakan ang Quezon City Capitals, 101-68 upang manatili sa sosyohan sa ikalawang puwesto sa pagpapatuloy ng 2018  MPBL Datu Cup noong Miyerkules ng gabi sa Ateneo Blue Eagles Gym sa Loyola Heights, Quezon City.

Umiskor ang dating PBA ace shooter na si Gary David ng 21 puntos na may kasamang dalawang rebounds habang si Jeepy Faundo ay tumulong ng 12 puntos at anim na rebounds para masungkit ang ikalimang panalo sa anim na laro ng Bataan.

Sa kanilang panalo, umangat ang Risers sa sos­yohan sa ikalawang puwesto kasama ang Bulacan Kuyas sa parehong 5-1 win-loss kartada sa Northern Division.

Sa iba pang laro, nagwagi rin ang  Zamboanga Valientes kontra sa Navotas Clutch, 89-78 para makuha ang pang-apat na panalo sa anim na laro.

Umani ng 29 puntos si Reed Juntilla sa 13-of-18 shooting sa field goal upang iangat ang Valientes sa solo second spot sa Southern Division sa 4-2 card sa likuran ng nangu­ngunang Muntinlupa Ca­gers (3-0).

Show comments