^

PSN Palaro

Mindanao Open kasado na

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Mindanao Open kasado na
Ang Mindanao Open ay isang quarterly sportsfest na gaganapin sa iba’t ibang rehiyon tungo sa national championship sa taong ito bilang bahagi rin sa Luvmo Games 2018 na programa ng PSC sa koordinasyon ng Philippine Sports Institute.

MANILA, Philippines — Handang handa na ang Philippine Sports Commission sa pagdaraos ng Mindanao Open matapos ang isinagawang coordination meeting kasama ang mga local government units (LGUs) at iba pang stakeholders na ginanap sa Ozamis City noong Hul­yo 30.

Ang Mindanao Open ay isang quarterly sportsfest na gaganapin sa iba’t ibang rehiyon tungo sa national championship sa taong ito bilang bahagi rin sa Luvmo Games 2018 na programa ng PSC sa koordinasyon ng Philippine Sports Institute.

Tatlong kategorya ang paglalabanan sa Mindanao Open kabilang na ang 12-year under, 14-year under at 16-year under.

Nagsagawa rin ang PSC ng coordination mee­ting noong Hulyo 3 sa Davao City, Hulyo 5 sa GenSan, Hulyo 11 sa Cagayan, Hul­yo 18 sa Surigao City at sa Zam­boanga City noong Hulyo 25.

Umabot sa mahigit 24 cities at 19 probinsiya ang dumalo sa mga nasabing coordination meetings.

Isa sa gustong mag-host sa event ay ang Gingoog City at Dinagat Island.

Hangad naman ng Dinagat Island na mag-host ng archery event sa nasabing kumpetisyon.

Ang ibang events sa Mindanao Open ay ang open water swimming, t­riathlon, badminton, table tennis, tennis, arnis, boxing, judo, karatedo, taekwondo, air rifle, archery, fencing at weightlifting.

MINDANAO OPEN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with