^

PSN Palaro

Che’Lu, Go For Gold ikakasa ang finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Che’Lu, Go For Gold ikakasa ang finals
Makakatipan ng Revellers ang Centro Escolar University sa alas-6 ng gabi habang haharapin naman ng Scratchers ang Marinerong Pilipino sa unang laro sa alas-4 ng hapon.
PBA images

MANILA, Philippines — Maisaayos ang pag­haharap sa finals ang parehong sasarguhin ng Che’Lu Bar and Grill at Go For Gold sa pagharap sa kani-kanilang karibal sa Game 2 ng PBA D-League Foundation Cup best-of-three semifinals ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakatipan ng Revellers ang Centro Escolar University  sa alas-6 ng gabi habang haharapin naman ng Scratchers ang Marinerong Pilipino sa unang laro sa alas-4 ng hapon.

Parehong nakauna ang Che’Lu at Go For Gold sa kani-kanilang serye.

Pinataob ng Revellers ang Scorpions sa iskor na 112-97 sa Game 1 noong Martes.

“Since the day after we lost last conference, our goal was not only to be in the finals again but to get the championship. That’s our motivation,” ani Revellers head coach Stevenson Tiu.

Sasandalan ng Che’Lu sina Jeff Viernes, Levi Hernandez, Chris Bitoon, Jesse Collado at Stephen Siruma na matikas ang inilaro sa series opener.

Sa kabilang banda, maningning ang Go For Gold nang iselyo nito ang 96-87 panalo kontra sa Marinerong Pilipino sa Game 1 noon ding Martes.

Sa kabila ng magandang panalo, pinayuhan ni Scratchers mentor Charles Tiu ang kanyang bataan dahil tiyak na ibubuhos ng Skippers ang lahat para makahirit ng Game 3.

CHE’LU BAR AND GRILL

GO FOR GOLD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with