^

PSN Palaro

May hugot si Hallasgo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
May hugot si Hallasgo
Sabay-sabay na nagpulasan ang mga runner na kalahok sa 42nd Na­tional Milo Marathon sa ibabang larawan. Nasa itaas na larawan (ka­nan) sina Christine Hallasgo at Jeson Agravante na nagdomina sa nasabing karera ha­bang nasa kaliwa naman ang isang pamilya na hawak-kamay sa pag­takbo.
(Kuha ni Jun Mendoza)

Nagreyna sa Manila Leg Ng 42nd Milo Marathon

MANILA, Philippines — Bago siya lumuwas ng Maynila noong Sabado ay matamis na halik ang ibinigay ni Christine Hallasgo sa kanyang mister at isang taong gulang na si baby girl Crisha Mae sa kanilang payak na bahay sa Malaybalay, Bukidnon.

Hindi niya alam kung mananalo siya sa women's 42-kilometer event sa Manila leg ng 42nd National Milo Marathon, ngunit tiniyak niyang ibibigay ang lahat ng kanyang makakaya para makamit ang premyong P50,000.

“Kaya po kasi ako su­mali rito sa Manila leg ng Milo para makabili ng maliit na bahay kasi po pinapaalis na kami sa tinitirhan namin,” sabi ng 25-anyos na si Hallasgo. “Hindi kasi sa amin 'yung lupang tinitirikan ng bahay namin, tapos naibenta na ng may-ari.”

Nagsumite si Hallasgo ng tiyempong tatlong oras, limang minuto at 17 segundo para pagreynahan ang women's 42km race at ibulsa ang P50,000 kahapon sa MOA grounds sa Pasay City.

“Hindi naman po mala­king bahay ang gusto na­ming bilhin kundi maliit lang, simple lang, 'yung may matitirahan na kaagad kami ng pamilya ko,” ani Hallas­go.

Tinalo ni Hallasgo sina Jho-an Villarma (3:14.28) at Cinderella Lorenzo (3:17.46) para makamit ang tiket sa Milo National Finals na nakatakda sa Disyembre 9 sa Laoag, Ilocos Norte.

Ito ang unang pagsalang ni Hallasgo sa Manila leg ng Milo Marathon matapos magdomina sa Cagayan De Oro leg sa 21km event sa huling dalawang taon.

“Nakituloy lang po ako sa isang kaibigan ko, pero sa Huwebes uuwi na rin agad ako sa Malaybalay,” ani Hallasgo, nagtapos ng kursong Bachelor of Public Administration sa Bukidnon State University.

Sa men's division, nagtala si 2016 national champion Jeson Agravante ng bilis na 2:35:10 para banderahan ang men's 42m race kasunod sina Erick Paniqui (2:42:41) at Bryan Quinco (2:43:59).

“Talagang pinaghandaan ko ito after matalo ako sa National Finals last year sa Cebu,” sabi ng 29-anyos na tubong Silay City, Negros Occidental.

Samantala, pumuwesto si actress/model Solenn Marie Heussaff (0:55:56) sa women's 10km event na pinagreynahan ni Meagey Ninuna (0:40:24).

Si Marvin Guarte (0:34:04) ang namayani sa men's division. Sa 21km race, nanguna sina Nhea Ann Barcena (1:31:02) at Richard Solano (1:08:46).

Bumandera naman sina Joida Gagnao at Camino Immuel sa wo­men's at men's 5km mula sa kanilang inirehistrong 0:18:39 at 0:15:18, ayon sa pagkakasunod.

Kabuuang 27,835 runners ang lumahok sa Manila leg kung saan 2,300 ang tumakbo sa 42km, samantalang 18,000 ang sumali sa 5km. 

MILO MARATHON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with