Love pumirma na sa Cavs

Inihayag kahapon ng Cleveland ang pagpirma ng 29-anyos na 10-year veteran sa isang four-year contract na nagkakahalaga ng $120 milyon.

CLEVELAND -- Si NBA All-Star forward Kevin Love ang magiging bagong mukha ng Cavaliers sa susunod na apat na taon.

Inihayag kahapon ng Cleveland ang pagpirma ng 29-anyos na 10-year veteran sa isang four-year contract na nagkakahalaga ng $120 milyon.

 Sa paglipat ni LeBron James sa Los Angeles La­kers ay si Love na ang magiging pangunahing bituin ng prangkisa ng Cleveland.

Mula sa Minnesota Timberwolves ay lumipat si Love sa Cavaliers noong 2014 at natulungan ang Cleveland na makapasok sa apat na sunod na NBA Finals appearances laban sa Golden State Warriors noong 2015, 2016, 2017 at 2018 at nagkampeon noong 2016.

“When I first came to Cleveland, I came with a long-term mindset,” sabi ni Love sa isang statement.

 Naglista ang NBA All-Star forward ng average na 17.6 points at isa sa walong players sa NBA history na nagsalpak ng 11,000 points, 7,000 rebounds at 1,000 three-pointers.

Show comments