^

PSN Palaro

Ika-2 gold itinakbo ni Lumapas sa ASEAN

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Ika-2 gold itinakbo ni Lumapas sa ASEAN
Ipinakikita ni Jessel Lumapas (gitna) ang ikalawang gintong medalya nang pagwagian ang 200-meter girls run sa 2018 ASEAN Schools Games. Kasama rin sa larawan sina PSC Commissioner Charles Raymond A. Maxey at coach Fernando Dagasdas.

MANILA, Philippines — Iitnakbo ni Jessel Lumapas ang kanyang ikala­wang gintong medalya matapos manguna sa girls 200-m dash para sa ika-5 ginto ng Team Philippines sa 2018 ASEAN Schools Games noong Lunes ng hapon sa Mini-Stadium sa Bukit Jalil, Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagtala ang 17-anyos na si Lumapas ng 25.03 segundo sa girls 200-m event at nag-iisang Pinay na double gold medalist sa kumpetisyon.

Ang una niyang ginto ay mula sa 400-m run sa oras na 57.46 segundo.

Muling tatangkain ng  Grade 11 estudyante ng Nazareth School of Natio­nal University na dagdagan pa ng isang ginto ang kabuuang napanalunan sa huli niyang event na 4x100-m relay.

Ang kanyang teammate na si Decerie Jane Niala ay tumapos sa silver sa 25.07segundo habang ang Indonesian na si Nur­yanti Erna ay may 25.25 segundo para sa bronze.

Habang sinusulat ang istoryang ito, ang host Malaysia ay nakakuha na ng 23 ginto, 24 pilak at 19 tanso kasunod ang (19-17-22), Thailand (12-16-19), Vietnam (12-7-6) at Singapore (6-8-10) habang ang Pilipinas ay pang-anim lamang sa limang gintong medalya, limang pilak at 10 tanso.

JESSEL LUMAPAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with