Lyceum hindi bibitaw sa paghawak sa liderato

Makakatipan ng Lyce­um ang Arellano University ngayong alas-12 ng tang­hali sa The Arena sa San Juan City.

MANILA, Philippines — Puntirya ng Lyceum of the Philippines University na masungkit ang ikaapat na sunod na panalo upang ma­patatag ang kapit sa so­long pamumuno sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament.

Makakatipan ng Lyce­um ang Arellano University ngayong alas-12 ng tang­hali sa The Arena sa San Juan City.

Magkukrus naman ang landas ng reigning champion San Beda University at College of St. Benilde sa alas-4, habang lalarga rin ang duwelo ng San Sebastian College-Recoletos at Jose Rizal University sa alas-2.

Namamayagpag ang Pirates nang kumana ng tat­long sunod na panalo ka­bilang ang 88-56 panalo sa Heavy Bombers.

Subalit walang puwang ang pagiging kumpiyansa pa­ra kay Lyceum head coach Topex Robinson dahil alam nito ang kapasidad ng Chiefs.

“Arellano was impressive in their last game and that makes them a dangerous team. But we just have to make sure we focus on the things that we have control of and that’s our energy and intensity,” wika ni Robinson.

Maganda ang simula ng Chiefs.

Itinarak ng tropa ang 75-69 overtime win laban sa Emilio Aguinaldo College sa kanilang unang pag­salang upang protekta­han ang kanilang teritoryo sa Arellano Gym noong Hu­webes,

Tiwala si Arellano men­tor Jerry Codiñera na ma­kakasabay ang kanyang koponan laban sa paboritong Lyceum.

Show comments