^

PSN Palaro

Matikas pa rin ang San Juan

Pilipino Star Ngayon
Matikas pa rin  ang San Juan
Nagtala ang dating PBA standout na si Larry Rodriguez ng double-double performance sa kanyang 15 puntos at 11 rebounds para pangunahan ang ika-apat na sunod na panalo ng Knights (4-0) at tanging koponan sa Nothern Division na wala pang mantsa ang kartada.
https://www.facebook.com/San-Juan-Knights-Go-for-Gold

MANILA, Philippines — Napanatili ng San Juan Knights ang malinis na kartada matapos magwagi laban sa Caloocan Supremos, 81-77 sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup noong Sabado ng gabi sa Caloocan Sports Complex.

Nagtala ang dating PBA standout na si Larry Rodriguez ng double-double performance sa kanyang 15 puntos at 11 rebounds para pangunahan ang ika-apat na sunod na panalo ng Knights (4-0) at tanging koponan sa Nothern Division na wala pang mantsa ang kartada.

Bukod kay Rodriguez, umani rin ng 12 puntos si Samboy de Leon para sa tropa ni coach Randy Alcantara.

Sa iba pang laro, pi­­na­dapa ng Valenzuela Classics ang Anta Rajah Cup champion Batangas  Athle­tics, 78-66 para masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa apat na laro.

“We tried to be quick, be more active on defense. We thought of nothing except Batangas City for the past eight days. Beating those guys was a remar­kable feeling,” ani Valenzuela coach Chris Gavina.

  Pinangunahan ni Chris de Chavez ang Classics sa kanyang 22 puntos habang si Bong Galanza ay tumulong din ng 12 puntos.

Dahil sa mahigpit na depensa, nalimitahan ng Valenzuela ang Batangas Athletics sa 32 porsyento sa shooting sa field sa 22-of-68 attempts at nalimitahan din ang Batangas top shooters na si Jhaymo Eguilos sa walong puntos lamang sa buong laro. (FC)

SAN JUAN KNIGHTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with