^

PSN Palaro

Scratchers makikisalo uli sa itaas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Scratchers makikisalo uli  sa itaas
Magtutuos ang Scrat­chers at Skippers sa ala-una na susundan ng bakbakan ng Batangas at AMA Online Education sa alas-3.
https://www.pba.ph

MANILA, Philippines — Target ng Go For Gold na makisalo sa liderato sa pakikipagtipan nito sa Marinerong Pilipino sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Magtutuos ang Scrat­chers at Skippers sa ala-una na susundan ng bakbakan ng Batangas at AMA Online Education sa alas-3.

Kasalukuyang nasa No. 2 spot ang Go For Gold  tangan ang 6-2 marka ha­bang nangunguna ang Che’Lu Bar and Grill na may 7-2 kartada.

Nabangasan ang Scratchers matapos magtamo ng injuries sina Ron Dennison at James Martinez.

Subalit malalim ang bench ni Scratchers head coach Charles Tiu kaya’t marami itong mahuhugot para punan ang nabakanteng puwesto ng dalawa.

“The challenge is blend them with the team again,” wika ni Tiu.

Nariyan si Gab Banal na nagbalik-aksiyon na para sa Scratchers habang maganda naman ang debut ni Rey Publico nang kunin ng tropa ang 75-60 panalo laban sa Centro Escolar University.

Si Banal ang humatak sa Go For Gold sa 93-88 panalo kontra sa Marinerong Pilipino sa kanilang unang paghaharap sa first round.

Subalit desidido si Skippers mentor Koy Banal na makaresbak upang magkaroon ng magandang momento bago pumasok sa playoffs.

“We still want to win. It’s good to go into the playoffs on a winning note,” ani Banal.

Sasandalan ni Banal sina Trevis Jackson, Jorey Napoles at Robbie Manalang.

Pareho namang nagnanais ng magandang exit ang Batangas (3-6) at AMA Online Education (0-8) na kapwa nasibak na sa kontensiyon.

GO FOR GOLD

MARINERONG PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with