^

PSN Palaro

Ex-national players handang maglaro sa Gilas Pilipinas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ex-national players handang maglaro sa Gilas Pilipinas

MANILA, Philippines — Hindi magdadalawang-isip ang mga dating national players na maglaro para sa Gilas Pilipinas sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Setyembre.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kahandaang isuot ang uniporme ng Gilas Pilipinas ay sina seven-foot center Greg Slaughter, LA Tenorio at Jeff Chan ng Barangay Ginebra.

Kamakailan ay pinatawan ng FIBA ng suspensyon sina naturalized player Andray Blatche, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Matthew Wright, Jayson Castro, Terrence Romeo, Roger Pogoy, Troy Rosario, Carl Bryan Cruz at Jio Jalalon dahil sa kanilang pakikipagrambulan sa Australia noong Hulyo 4 sa Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Dahil dito ay nanga­ngailangan ang Samahang Basketbol ng Pilipinas ng mga players na papalit sa 10 nasuspinding miyembro ng Nationals at makakasama nina four-time PBA MVP June Mar Fajardo, Gabe Norwood at Baser Amer.

Sinabi ni Slaughter na wala na siyang injury at handang-handang maglaro para sa Gilas Pilipinas matapos maging miyembro noong 2010 sa ilalim ni Serbian coach Rajko Toroman.

Sina Tenorio at Chan ay naging miyembro rin ng Gilas Pilipinas ni head coach Chot Reyes noong 2014 sa FIBA World Cup.

Bukod kina Slaughter, Tenorio at Chan, nagpaha­yag din ng interes sina Rain or Shine big men Raymond Almazan at Beau Belga at sina Fil-German Christian Standhardinger at Arwind Santos ng San Miguel.

Ang 6’8 na si Standhardinger, naglaro para sa Philippine team sa nakaraang 2018 FIBA 3x3, ang sinasabing ipapalit ng SBP sa 6’9 na si Blatche bilang naturalized player.

Isa rin sa inaasahang ikukunsidera ng SBP na maging miyembro ng Gilas Pilipinas ay si Vic Manuel ng Alaska.

2019 FIBA WORLD CUP ASIAN QUALIFIERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with