^

PSN Palaro

Tepora tinalo si Ortega via TKO para sa WBA crown

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Tepora tinalo si Ortega via TKO para sa WBA crown
Pinigilan ni Jhack Tepora si Edivaldo Ortega ng Mexico via ninth-round TKO victory para angkinin ang bakanteng World Bo­xing Association Interim featherweight title sa undercard ng laban nina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse.

MANILA, Philippines — Isa pang Filipino f­­i­gh­ter ang umiskor ng TKO (Technical Knockout) victory kahapon sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Pinigilan ni Jhack Tepora si Edivaldo Ortega ng Mexico via ninth-round TKO victory para angkinin ang bakanteng World Bo­xing Association  Interim featherweight title sa undercard ng laban nina Manny Pacquiao at Lucas Matthysse.

Ito ang ika-22 sunod na panalo ni Tepora, hindi pa natatalo sa kanyang professional career, ng Cebu City tampok ang 17 knockouts  habang nalasap ni Ortega ang ikalawang kabiguan sa 29 laban.

Si Tepora ang ikatlong Pinoy fighter na naglista ng panalo bukod kina Pacquiao at Juan Miguel Elorde, apo ni Filipino bo­xing legend Gabriel “Flash” Elorde, na tumalo kay Ratchanon Sawangsoda ng Thailand via third round TKO sa opening preliminary bout.

Dahil sa pagiging parehong southpaw (kaliwete) ay hindi gaanong naging maaksyon ang upakan nina Tepora at Ortega hanggang sumapit ang fifth round kung saan mas naging agresibo ang Pinoy pride sa kanyang mga jabs at uppercuts sa Mexican.

Sa ninth round ay naipasok ni Tepora ang kanyang right uppercut na nagpatumba kay Ortega sa canvas sa unang pagkakataon.

Nalampasan ni Ortega ang mandatory eight count ni referee Roberto Ramirez, Jr. ngunit nabigong ilagan ang mga suntok ni Tepora na dahilan para tuluyang itigil ng Puerto Rican third man ang laban sa 2:38 minuto nito.

TECHNICAL KNOCKOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with