Curry babalik sa Pinas sa Sept.

Inihayag ito ng sports apparel na Under Armour sa kanilang Twitter account.
AP Photo/Marcio Jose Sanchez

MANILA, Philippines — Matapos si Golden State Warriors star forward Kevin Durant ay ang teammate naman niyang si two-time NBA Most Valuable Player Stephen Curry ang bibisita sa Pilipinas sa Setyembre.

Inihayag ito ng sports apparel na Under Armour sa kanilang Twitter account.

Ang muling pagpunta ng three-time NBA champion sa bansa ay bahagi ng kanyang Asian tour.

“On September  5, Under Armour Basketball will bring (Curry), his mindset, and his will to win to the Philippines, China, and Japan.

Manila, Wuhan, and Tokyo – get ready!” sabi ng sports brand sa kanilang Twitter account.

Ito ang ikalawang beses na magiging bisita si Curry sa bansa matapos noong Setyembre ng 2015 kung kailan nakamit ng Warriors ang NBA championship laban sa karibal na Cleveland Cavaliers.

Kamakailan ay bumalik si Durant sa bansa para pasayahin ang kanyang mga Pinoy fans.

Show comments