^

PSN Palaro

Marinero tinapos ang pananalasa ng Che’Lu

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Marinero tinapos ang  pananalasa ng Che’Lu
Pinamunuan nina Jorey Napoles at Robbie Manalang ang matikas na kamada ng Skippers sa huling kanto para hatakin ang kanilang tropa sa No. 3 spot tangan ang 4-3 baraha.
PBA images

MANILA, Philippines — Tinuldukan ng Marinerong Pilipino ang winning-streak ng Che’Lu Bar and Grill sa pamamagitan ng 91-83 desisyon kahapon sa 2018 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Pinamunuan nina Jorey Napoles at Robbie Manalang ang matikas na kamada ng Skippers sa huling kanto para hatakin ang kanilang tropa sa No. 3 spot  tangan ang 4-3 baraha.

Nakalikom si Napoles ng double-double na 19 points at 11 rebounds habang kumana rin si Manalang ng 19 markers tampok ang apat na tres kasama ang limang boards at apat na assists.

“We want to be consistent especially if we have to go through the eye of a needle. We’ll go through that, we’ll take everybody with us and we’ll not leave anybody behind,” ani Skippers head coach Koy Banal.

Nagdagdag naman si Abu Tratter ng sariling double-double na 10 points at 14 rebounds samantalang may 10 markers si Javi Gomez de Liaño para sa Skippers.

Lumasap naman ang Revellers ng ikalawang kabiguan para mahulog sa 5-2 marka.

Sa unang laro, ibinuhos ng Go for Gold ang ngitngit nito sa  AMA Online Education nang ipako ang 135-91 demolisyon.

Ang panalo ang nagbalik sa Scratchers sa unahan ng standings hawak ang 5-2 marka para saluhan ang Revellers.

2018 PBA D-LEAGUE FOUNDATION CUP

CHE’LU BAR AND GRILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with