Fernandez swak sa 2nd round

Nagtala si Fernandez ng 5-0 unanimous decision win kontra kay Louis Jean Hughes Miley ng Mauritius sa men’s bantamweight (56 kg.).

MANILA, Philippines — Matikas ang panimula ni Southeast Asian Games gold medallist Mario Fernandez nang magtala ng ope­ning-round win para umu­sad sa second round ng 2018 Thailand Open In­ternational Boxing Tournament sa Bangkok, Thailand.

Nagtala si Fernandez ng 5-0 unanimous decision win kontra kay Louis Jean Hughes Miley ng Mauritius sa men’s bantamweight (56 kg.).

Si Fernandez ay pina­bo­ran nina judges Uktam Ba­razov ng Uzbekistan, You­nis Nabeel ng Jordan, Nea­mah Jasim Jawad ng Iraq, Ho Goe Chuen ng South Korea at Katugam­pa­laka Puhamlag ng Sri Lan­ka

Aarangkada si Fernandez sa second round laban kay Kharkhuu Engkh-Amar ng Mongolia.

Magtatangka namang ku­muha ng tiket sa quarter­finals ngayong araw sina Car­lo Paalam (men’s light fly­­weight - 46-49 kg.) at Su­gar Ray Ocana (men’s light welterweight – 64 kg.).

Titipanin ni Paalam si Matsumo Ryusei ng Japan at haharapin ni Ocana si Hsieh Kai-Yu ng Chinese-Tai­pei.

Nakatakda ring lumaban kagabi sina Marvin Tabamo, James Palicte at Jo­el Bachon.

Target ni Marvin Taba­mo na makakuha ng quar­­ter­final slot sa pagsagupa kay Jean David Rolfo ng Mau­ritius sa men’s flyweight (52 kg.), habang susuntok sina Palicte (men’s lightweight – 60 kg.) at Bacho (men’s welterweight (69 kg.) laban kina Lai Chu-En ng Chinese-Taipei at Sailom Ardee ng Thailand, ayon sa pagkakasunod.

Show comments