Knights at Classics nakaiskor
MANILA, Philippines — Tinambakan ng San Juan Knights ang Bulacan Kuyas, 94-76, habang nakaeskapo ang Valenzuela Classics laban sa Basilan Steel, 96-94, sa 2018 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Anta Datu Cup noong Sabado sa Valenzuela City Astrodome.
Limang players sa pangunguna ni Mac-Mac Cardona ang nagtala ng double-figures kaya lumamang ng mahigit 31 puntos ang Knights patungo sa kanilang ikalawang sunod panalo at makisosyo sa liderato sa North Division kasama ang Navotas Clutch at Makati Skyscrapers sa 2-0 kartada.
Umiskor si CJ Isit ng 12 puntos, habang sina Rian Ayonayon, Cardona, John Wilson at Jhonard Clarito ay nag-ambag ng 11 at tig-10 marka, ayon sa pagkakasunod.
Naitala ng Knights ang league highest scoring record sa first half na 61 points at 15 steals sa kabuuan ng laro.
Umiskor naman ng 21 puntos si Jason Melano para sa Bulacan Kuyas na bumagsak sa 1-1, habang si JR Taganas ay naglista ng 12 puntos at 11 rebounds.
- Latest