^

PSN Palaro

Tikas ni Pacquio bumabalik na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tikas ni Pacquio bumabalik na
Sa akyatin naman nag-jogging si Manny Pacquiao para palakasin ang kanyang istamina at mga binti sa Sitio Segui sa Maasim, Sa­rangani noong Biyernes.
(Wendell Alinea/MP Promotions)

MANILA, Philippines — Unti-unti nang bumabalik ang bangis ni eight-division world champion Manny Pacquiao.

Ito ay base sa evaluation ng four-man group ng Team Pacquiao na binubuo nina Justine Fortune, Buboy Fernandez, Nonoy Neri at Roger “Haplas” Fernandez.

Matapos ang ilang linggong puspusang training, handa nang sumabak si Pacquiao laban kay World Bo­xing Association welterweight champion Lucas Matthysse sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Mismong sina Fernandez at Fortune ang nagsiwalat nito kahapon sa General Santos City.

“We’re ready,” deklara ni Fernandez.

Kita na ang bagsik ng kamao ni Pacquiao sa ilang sparring sessions na pinagdaanan nito.

Sumailalim din si Pacquiao sa 10-round mitts session kasama si Fernandez.

Isasalang din ang Pinoy boxing legend sa 12-round sparring laban kay Australian lightweight George Kambosos Jr.

Pinuri ni Kambosos ang bilis ni Pacquiao.

“Pacquiao is known for his fast-paced kind if fighting and so do I. Maybe he’s quicker than I am. He needs a sparring partner as fast as him or even faster and I believe I can provide,” wika ni Kambosos.

“I’m a fast guy in front of him and if he can hit me, he can hit anybody, including Lucas. If he can defend against me, he can defend against anybody,” dagdag nito.

Magiging kahalili ni Kambosos sa sparring session sina Pinoy boxers Arnel Tinampay at Jerich Chavez.

Nais ng Team Pacquiao na maibalik ang pamatay na suntok ng tinaguriang Pambansang Kamao na ginamit nito para pabagsakin ang ilang kilalang boksingero sa kanyang mga nakalipas na laban.

Maliban sa sparring, tuloy ang pagtakbo ni Pacquiao sa matatarik na lugar sa Sarangani upang higit na patatagin ang kanyang hita at pataasin ang kanyang stamina.

Nakatakda namang umalis ang Team Pacquiao sa Hulyo 9 patungong Kuala Lumpur.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with