Chism bagong import ng Magnolia

MANILA, Philippines — Sa bitbit na 4-5 record ay kailangan ng Magnolia na ipanalo ang huli nilang dalawang laro para makasama sa eight-team quarterfinals cast ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Kaya naman hinugot ng Hotshots si import Wayne Chism, naglaro para sa NLEX Road Warriors, sa hanga­ring makasikwat ng tiket sa quarterfinals ng mid-season conference.

Ang 6-foot-8 na si Chism ang magiging ikaapat na reinforcement ng Magnolia matapos sina Vernon Macklin, Curtis Kelly at Justin Jackson.

“He is a more complete player, he knows how to play here, and I think he can help us a lot in terms of his experience,” sabi ni coach Chito Victolero sa 31-anyos na si Chism muling makakasama si combo guard Paul Lee.

 Lalabanan ng Hotshots ang Road Warriors sa Hulyo 4 sa pagbabalik ng mga aksyon matapos ang pagsabak ng Gilas Pilipinas sa third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Show comments